Sabado, Marso 21, 2015

The Reality (First half)

Her POV
Eto na naman ako.
Nakatitig sa screen ng cellphone ko.
Hinihiling na sana balang araw magkita kami.
Na sana balang araw mapansin nya din yung nararamdaman ko.
Na sana kaya nya din akong mahalin tulad ng pagmamahal ko sa kanya.
"Haaay! Imposible talaga tong mga iniisip ko" ang tanging nasabi ko sa sarili ko.
Uamaga na naman. May pasok na naman ako. Ginawa ko na ang dapat gawin. Pagkatapos naglakad na ako papunta sa University na pinapasukan ko. Buti nalang walking distance lang tong Boarding house ko papunta sa pinapasukan ko.
Ako nga pala si Jrel Lopez. Di mayaman di din mahirap. First year college, Programing yung kinuha kong kurso. Diko alam kung bakit yun yung kinuha ko. Medjo mahirap. Tinatamad na nga ko minsan mag-aral. Pero pag naiisip ko sya, ginaganahan ako mag-aral. Tsk. Abnormal ako.
Di ako maganda. Maliit din ako. Di ako maputi pero di ko din masasabing maitim ako. Sakto lang. Nasa ibang bansa yung Mama ko, she's an OFW, yung Papa ko naman bz sa trabaho nya. He's a chef. I have 3 siblings. Pero nasa Laguna sila. At ako dito sa Manila. Nag-iisa. Kailangan eh.
"Aray!" may nakabungguan ako. Buti nalang di ako natumba. Masyado ata akong nafofocus sa iniisip ko. Naglalakad nga pala ako. >_
"Eh?!" Nagkatinginan lang kami nung nakabungguan ko.
Nakajacket sya ng maitim na may hood, nakasalamin, tapos nakasombrero. All black. Ano to hold-aper?
Dub Dub 
Dub dub
Bat ganun yung nasa kaliwang dibdib ko? Parang Oa ata? Kaba? Pero wala akong naramdaman na takot sa kanya.
"Im sorry" tapos naghalf-smile sya sakin. Sheez! Ang gwapo nya. >_
Sa iisang tao ko lang nasasabi yang salitang gwapo. Sa lalaking nasa phone ko.
Tinanguan ko lang sya. At nilagpasan na nya ako. Napailing nalang ako. Eto na naman ako eh. Yung lalaki na namang yun yung iniisip ko. Di ko namalayang nakangiti na pala ako. That stranger. He's a little bit familiar.
The Next day.
Morning Rituals again. Naglakad ulit ako papuntang school.
Ang aga pa pero ang dami ng nagchichismisan sa hallway. Pero wala naman akong pakialam sa kanila. Sabi nga nila "walang basagan ng trip" trip nila yan eh. Pumasok nalang ako sa Room namin at umupo malapit sa bintana.
"Rel ! Ohmygee! Di ka maniniwala sa saaabihin ko. Whooaaa!"
Nilingon ko yung kumausap sakin.
Yung bestfriend ko.
At nag-iisang kaibigan ko dito sa school namin.
Si Lexy.
"KYAAAHHHH! REEELLLL! YUNG FANTASY MOOOOO! MAGIGING TOTOO NAAAAA!" with matching yugyog.
"Eh?"
"Relll ! The boy in your wallpaper. He's here in our country. Secret lang dapat yung pagbisita nya dito kaso accidentaly may nakakita sa kanya! And Guess what? Malapit dito sa school sya nakita na naglalakad. Whooooaaaa!!"
Parang naparalize ako sa narinig ko. Andito sya? Totoo ba to?
Lub Dub 
Lub dub
That big kicks again.
"Hey! NR as always? Rel? Eto na ohh. Iisang hangin nalang kayong hinihingahan. He's real. Atleast ngayon di ko na masasabi sayong nasa fantacy world ka lagi"
Nginitian ko lang sya.
Yeah.
Always.
Fantasy.
Dream.
Impossible.
"Ayeee. Ngumiti ka den. Sana makita natin sya personal noh? Pag nangyari yon pwede na akong magmadre" with matching hawak pa sa kaliwang dibdib nya.
"Sobra na yun"
"asus ikaw nga jan eh. Naalala ko pa yung sinabi mo dati na pagnakita mo na sya pwede ka ng mamatay. As in deads"
Nalala pa pala nya yun. Di ko nalang sya pinansin.
Natapos na naman ang isang araw kong biak-biak na ang utak ko. Exage pero medjo totoo.
Naglakad ulit ako pauwi sa Boarding House ko. Ang daming studyante. Wala akong kasabay. May kotse yung kaibigan ko at magkaiba ang direksyon ng inuuwian namin. Habang naglalakad ako may biglang sumulpot sa tabi ko. Di ko nalang pinansin kasi baka isa lang yun sa mga taong nagsisiksikan ngayong araw. Rush hour.
"Hi" That voice? Parang narinig ko na to. Nilingon ko yung sumabay sakin.
And.
Sheez! Yung lalaking nakabungguan ko. Pero at this time may mask na sya na nakatakip sa kalahati ng mukha nya >_< Matatakot naba ako? Bat nya ako sinasabayan? Holdaper ba sya? Wala akong pera para pambigay sa kanya sakali. Di ako mayaman. Pero di sya mukhang holdaper. -_-
He snap in front of me. Nakatulala na naman pala ako.
"problem?"
Kahit ganito yung attire nya bat parang ang gwapo nya paden sa paningin ko? Napailing nalang ako sa sarili ko. Tinalikuran ko nalang sya at naglakad ulit.
"Hey! Can I join you?" Join? Bakit join? May pagkain ba ko?
Di ko nalang ulit sya pinansin. Pero eto na naman sya. Sinasabayan ako sa paglalakad. Pero ok lang naman siguro yun. Di naman sya mukhang masamang tao. Pareho kaming walang imik hanggang makarating kami sa tapat ng boarding house ko.
Papasok na sana ako sa gate ng magsalita ulit sya.
"hey! Can I come with you? Can I get in?"
Hala? Ano ba to? Di ba sya marunong magtagalog? Tinignan ko sya ng nagtatanong.
"I promise. I wont hurt you. I wont do anything. Just let me In pleaseeee?" pinagsaklop nya pa yung dalawa nyang kamay. Napangiti ako sa ginawa nya. Iniimagine ko yung buong mukha nya. Nakapout habang nakikiusap sakin.
No choice ako. Pinapasok ko nalang sya. Mukha naman syang safe.
Pagkapasok namin. Umupo kaagad ako sa sofa. Grabeh! Nakakapagod pala maglakad. Haayy! Pipikit na sana ako ng may magsalita.
Ay may kasama pala ako. Ang bopols ko. Tsk.
"Uhmm Can I take off my disguise?"
Eh? Disguise? Ibig sabihin tinatago nya yung mukha nya! Umayos ako sa pagkakaupo ko at tinitigan sya. May salamin padin sya. Kakausapin ko ba to?
"But promise me that you will not tell anyone that Im with you."
Eh? Di naman ako chismosa eh. Tss. Tinanguan ko sya.
Inisa-isa nyang tanggalin ang nasa mukha nya.
Salamin.
Those eyes. Natulala ako. Mata palang kilala ko na sya.
Mask.
His perfect nose.
Jacket with Hood.
His hair.
F*ck !
Sh*t !
D*mn !
 Cant help my self to cuss.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento